
Ni NOEL ABUEL
Aabot sa 800 residente ng ilang probinsya ng Iloilo ang nakatanggap ng tulong mula kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano.
Partikular na nabigyan ng tulong ang mga residente ng bayan ng Sara at Jaro noong Marso 14 at 15, 2024.
Muling nakipagtulungan ang mga senador sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang dalawang-araw na pagbisita.
Ang mga benepisyaryo ay nagmula sa sektor ng kabataan at small business owners, at iba pang komunidad sa probinsya.
Matapos ang isang makabuluhang courtesy visit kay Sara, Iloilo Vice Mayor Ryan Zerrudo, 500 kabataan at small business owners ang nakatanggap ng kinakailangang tulong noong Marso 14, 2024.
“Thank you po sa inyong pagpalangga sa amo na banwa. Marami po kayong natulungan especially ngayon na timing po sa El Niño kasi marami pong naghihirap dito sa aming bayan,” wika ni Vice Mayor Zerrudo.
Naging matagumpay rin ang aktibidad dahil sa tulong ni Sangguniang Kabataan Federation President Esara Javier.
Nang sumunod na araw, 300 na mga benepisyaryo rin ang nakatanggap ng tulong mula sa Cayetano-DSWD partnership sa kanilang pagbisita sa Jaro, Iloilo City.
Ang dalawang-araw na mga aktibidad sa Iloilo ay parte ng malawakang pagtulong ng dalawang senador na patuloy na inaabot ang marami pang marginalized sectors sa bansa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan.
Bukod sa City of Love, nagpaabot din ng tulong ang magkapatid na senador sa iba’t ibang sektor sa Pangasinan, Cagayan Valley, Ilocos Sur, at La Union sa loob ng parehong linggo.
