Mga “forward operating bases” ng PH Navy sa WPS at Benham Rise, dapat nang maipatupad — Sen. Tolentino

Ni NOEL ABUEL

Dapat nang aprubahan sa lalong madaling panahon ang “forward operating bases” (FOB) ng Philippine Navy sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea (WPS) at ang kamakailang paglalagyag ng mga Chinese research vessels malapit sa Philippine (Benham) Rise.

Ito ang sinabi ni Senador Francis Tolentino sa pagsasabing matapos ang siyam na buwan mula nang isumite ang Senate bill na nagtatakda ng mga lokasyon ng FOB ng PN.

Nabatid na noong Hulyo 14, 2022, isinumite ni Tolentino ang Senate Bill No. 654, na may pamagat na “An Act Institutionalizing the Philippine Navy Forward Operating Bases in line with the Philippine Navy Strategic Basing Plan 2040”.

“SB No. 654 identified strategic sites around the country that are either under development or proposed to be developed. However, acquiring these properties or developing these areas is difficult due to a lack of resources,” paliwanag nito.

Ipinaliwanag ni Tolentino na ang FOB, na mas maliit kaysa sa pangunahing basehan ng hukbong pandagat at operating base, ay hindi kakailanganin ang parehong alokasyon sa budget tulad ng isang regular na base ng hukbong pandagat ngunit maglilingkod bilang isang outpost sa estratehikong lokasyon malapit sa WPS at Philippine (Benham) Rise.

“These FOBs are to be established as naval and military facilities that can immediately carry out the Philippine Navy’s mandate in the country’s far-flung areas and as potential sites for future upgrades and expansion,” dagdag pa ng mambabatas.

Ang mga estratehikong lokasyon na itinalaga ng Phil Navy Directorate for Real Estate Management bilang prayoridad sa kanilang Strategic Basing Plan 2040 batay sa kanilang estratehikong lokasyon upang maglingkod bilang FOB ay may 15.

Binigyan ni Tolentino ng tinatayang P1B na pondo bilang pangunahing badyet kapag naaprubahan ang nasabing panukalang batas.

Leave a comment