Catanduanes niyanig ng lindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng paglindol ang lalawigan ng Catanduanes kaninang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, dakong alas-3:24 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 3.4 na natukoy sa layong 018 km timog kanluran ng Viga, Catanduanes.

May lalim itong 014 km at tectonic ang origin.

Naitala sa instrumental intensity ang intensity 1 sa Virac, Catanduanes.

Wala namang naging danyos ang nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment