
Ni NOEL ABUEL
Kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang dalawang araw na World Economic Forum (WEF) Country Roundtable ay magtutulak ng mas maraming direktang dayuhang pamumuhunan sa bansa, na lilikha ng mas maraming trabaho at oportunidad sa kabuhayan para sa mga Pilipino.
Matatandaang noong Enero ngayong taon ay pinangunahan ni Romualdez, sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang delegasyon ng Pilipinas sa WEF sa taunang pulong nito sa Davos, Switzerland kung saan inilatag ang pundasyon para sa staging ng WEF Country Roundtable dito.
Kabilang sa mga kalahok sa WEF Roundtable sa Pilipinas ay ang mga top global executives mula sa pampublikong sektor ng enerhiya, imprastraktura, pananalapi, pagbabangko, telekomunikasyon at marketing industry.
“The WEF Country Roundtable amplifies our message of progress and prosperity, resonating with potential investors both at home and abroad. It reinforces the narrative of the Philippines as a dynamic and resilient economy, ripe with opportunities for those willing to partner with us in our journey towards shared prosperity,” ani Romualdez.
Si Romualdez ang nag-host ng cocktails para sa mga miyembro ng delegasyon ng WEF CEO Roundtable sa makasaysayang Laperal Mansion na isinaayos ng administrasyong Marcos at inilaan para gamitin ng mga dumadalaw na foreign leaders at dignitaries.
Ayon kay Romualdez, pinalalaki ng WEF Country Roundtable ang kakayahang mabuhay ng Pilipinas bilang pangunahing destinasyon ng pamumuhunan at binibigyang diin ang pangako ng administrasyong Marcos na magtaguyod ng isang kapaki-pakinabang na kapaligiran para sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya.
“Moreover, the WEF Country Roundtable serves as a platform for meaningful dialogue on pressing economic issues, enabling us to exchange insights with global leaders and glean valuable lessons that can further enhance our investment climate,” aniya.
“By participating actively in these discussions, we reaffirm our dedication to sound governance, transparency, and inclusive growth,” dagdag nito.
Nabanggit ni WEF President Børge Brende, ang paglahok ni Marcos sa pulong ng WEF noong Enero 2023 na lumikha ng malaking interes at optimismo sa Pilipinas, na may maraming mga kumpanya na nais na malaman ang higit pa tungkol sa mga investment prospects.
Ayon kay Brende, maaaring manatiling kumpiyansa ang Pilipinas kung ipagpapatuloy nito ang kasalukuyang reporma sa patakaran, pag-upgrade ng imprastraktura, pati na rin ang pamumuhunan sa renewable at iba pang lugar.
Sa kanyang mensahe bago mag-alay ng toast sa delegasyon ng WEF at mga opisyal ng Pilipinas na naroroon, binigyang diin ni Romualdez ang matibay at walang patid na suporta ng Kamara sa mga inisyatibo ni Pangulong Marcos na buksan ang pintuan ng bansa sa mga dayuhang pamumuhunan.
“Under my stewardship the House not only met but exceeded expectations, securing 100 percent approval of the priority measures identified by President Ferdinand R. Marcos, Jr. and the Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) three months ahead of our target date—our commitment definitely to opening up our economy to foreign direct investments,” ayon pa kay Romualdez.
