
Ni NOEL ABUEL
Patuloy na nadaragdagan ang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) matapos na sumanib ang 23 pulitiko bago ang Lenten break ng mga mambabatas.
Personal na pinanumpa ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD, ang nasabing mga bagong party members kasama ang dating mga kongresista.
“As you officially become part of our political family, I am confident that your energy, passion, and ideas will invigorate our collective efforts towards realizing a brighter future for all Filipinos,” sinabi ni Romualdez.
Kabilang sa mga nanumpa bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD sa simpleng seremonya na ginanap sa Social Hall ng Speaker’s Office sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay si dating Nueva Ecija 2nd District Rep. Micaela S. Violago, dating miyembro ng National Unity Party.
Habang kasama rin ang mga lokal na pamahalaan ng Pangasinan tulad ni Mayor Julier Resuello at Vice Mayor Joseres Resuello, kapwa ng San Carlos, at sina Maan Tuazon-Guico at Atty. Melanie Lambino.
Pinangunahan naman ni Mayor Nadya B. Emano-Elipe ng Tagoloan, Misamis Oriental ang siyam na opisyal na sina Vice Mayor Robinson V. Sabio, at Councilors Mikka N. Sultan, Chicque Cosin-Co, Roger S. Achas, Cathlyn Valdehueza-Alfante, Karl Marx M. Agustero, Honey Analou Emano-Doña, Armando C. Pomar at Audie G. Paduganan.
Gayundin ang mga alkalde ng tatlong bayan ng Laguna kabilang sina Romeo P. Amorado (Majayjay, Laguna), Vener P. Muñoz (Rizal, Laguna) at Elmor V. Vita (Nagcarlan, Laguna).
Kasama rin sa listahan na sumanib sa Lakas-CMD ang iba pang lokal na opisyal mula sa Laguna tulad nina Mayor Ross Rizal at Vice Mayor Totie Lazaro ng Calamba City, at Councilor Roy M. Gonzales ng Sta. Rosa City.
Ang iba pang bagong pasok sa hanay ng Lakas sina Konsehal “Direk” Bobet Vidanes ng Pililia, Rizal at Maria Cristina “C3” D. Tuaño mula sa Oriental Mindoro.
