
Ni NERIO AGUAS
Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers na tiyakin na nababantayan ang kalusugan at safety measures ng mga manggagawa nito dahil sa nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon sa DOLE, inulit nito ang Labor Advisory No. 8, series of 2023 na nagrerekomenda nito na iwasan ang heat stress at bawasan heat exposure ng mga manggagawa.
“With the weather conditions further warming up due to the El Nino phenomenon, the labor department reminded employers to observe health and safety measures to prevent and control heat stress to minimize its impact at the workplace,” ayon sa DOLE.
Sinabi pa ng DOLE na kailangan na may sapat na ventilation at heat insulation ang kinanalagyan ng mga manggagawa at payagan ang mga ito na magsuot ng temperature-appropriate uniforms.
Gayundin, dapat ding siguruhin na may libre at sapat na maiinom na tubig ang mga manggagawa.
Kabilang sa iba pang inirerekomendang mga scheme ang pagsasagawa ng advocacy campaigns sa pagtukoy at pagtugon sa mga sintomas ng heat stress sa lugar ng trabaho at pagtatatag ng mga pamamaraan at information network upang matugunan ang mga heat-related emergencies.
Hinimok din ng health and safety measure advisory ang mga employers na may pagsang-ayon ng mga manggagawa, na magpatibay ng flexible work arrangements na nagpapahintulot sa mga pagsasaayos ng oras ng trabaho habang pinapanatili ang kabuuang bilang ng mga oras ng trabaho sa loob ng araw o linggo hanggang sa bumuti ang kondisyon ng panahon.
“Moreover, employers are encouraged to coordinate with the DOLE Regional Offices and Occupational Safety and Health Center-Regional Extension Units for technical assistance in reviewing and developing safety and health measures related to heat stress prevention and control at the workplace,” ayon pa sa advisory.
