
Ni NERIO AGUAS
Inatasan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga tauhan nito sa lahat ng international ports na pinagbabawalan na magbakasyon upang tiyakin na sapat na bilang sa panahon ng Lenten break.
Sa isang pahayag, sinabi ng Immigration Commissioner Norman Tansingco ang ban na nagsimula noong Marso 15 at magtatapos sa Abril 1, ay ginawa upang matiyak na ang lahat ng mga booth ng BI sa mga paliparan ay binabantayan sa panahon ng pagdagsa ng mga pasahero matapos ng mahabang bakasyon.
Sinabi pa ni Tansingco na ang pagbabawal ay sa lahat ng empleyado na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at lahat ng iba pang international ports ng entry at exit sa buong bansa.
Binigyan-diin nito na ang leave ban ay ipinatupad upang matiyak na ang mga serbisyo ng BI sa mga bumibiyaheng publiko ay hindi maaantala sa panahon ng Lenten break kung saan inaasahan ang pagtaas ng bilang ng pasahero sa mga paliparan.
“We assure the traveling public that our counters are fully manned to process them in our counters,” sabi pa ng BI chief.
Sinabi ng BI na umabot sa 39 hanggang 44 thousand arrivals kada araw ang kanilang inaasahan sa mga susunod na araw, habang inaasahang nasa 40 hanggang 44 thousand departures ang international departures.
Sinabi ng BI chief na inaasahang tataas ang volume ng mga papaalis na pasahero pagsapit ng Miyerkules, habang inaasahang tataas ang volume ng mga paparating na pasahero sa Linggo.
Idinagdag ni Tansingco na nag-isyu na ito ng mga personnel order na pansamantalang nagde-deploy ng halos 70 karagdagang tauhan upang dagdagan ang tauhan sa mga pangunahing international airports, at may mga mobile counter na naka-standby upang tumulong sa pagproseso ng mga biyahero.
