
Ni NOEL ABUEL
Pinuri ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa desisyon nitong dagdagan ng 1,400 percent ang benefit package para sa mga pasyente ng breast cancer, na tinawag itong “giant leap forward” sa pagbibigay prayoridad sa kalusugan ng kababaihan.
Inihayag ng PhilHealth na 1,400 porsiyento ng pagtaas sa “Z-benefit” package para sa mga breast cancer patients, na itinaas ito mula P100,000 tungo sa malaking P1.4 milyon, kasama ng 30 porsiyentong pagtaas sa lahat ng benepisyo ng PhilHealth.
“This is not just a small step forward; it’s a giant leap in our efforts to provide comprehensive support to breast cancer patients. PhilHealth deserves applause for recognizing the pressing need to enhance the ‘Z-benefit’ package,” sabi ni Herrera.
Ang “Z-benefit” package ay tumutukoy sa gamot na kailangan ng breast cancer patients, mula treatments and services patungo sa paggaling.
Sinabi ni Herrera na ang desisyon ng PhilHealth na palakasin ang tulong na ito sa pamamagitan ng ganitong kapansin-pansin na margin ay isang testamento sa pangako ng organisasyon sa pagpapabuti ng pag-access sa pangangalagang pangkalusugan at suporta para sa mga apektado ng nakamamatay na karamdaman.
“Breast cancer is a formidable adversary, and we must employ every available resource to combat it effectively,” ani Herrera.
“By expanding the ‘Z-benefit’ package, PhilHealth has taken a crucial stride in ensuring that our fellow Filipinos faced with breast cancer are equipped with the necessary resources to fight this battle head-on,” dagdag pa nito.
Ang malakihang dagdag sa “Z-benefit” package ay sa gitna ng pahayag ng PhilHealth na 30 percent boost sa lahat ng benepisyaryo.
“PhilHealth’s decision to raise all benefits by 30 percent is a commendable move on its own. However, the 1,400-percent hike in the ‘Z-benefit’ package for breast cancer patients demonstrates an unwavering commitment to prioritize those in need,” giit ni Herrera.
Binibigyang diin din ng deputy minority leader ang kahalagahan ng patuloy na pagsisikap upang mapahusay ang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, hindi lamang para sa mga breast cancer patients kundi para sa lahat ng indibidwal na nakikipaglaban sa iba’t ibang karamdaman.
“While we celebrate this remarkable stride, it is crucial that we remain vigilant and continue working towards bolstering our healthcare system. Together, we can ensure that no Filipino is left behind in their fight against illness,” aniya pa.
