
Ni MJ SULLIVAN
Asahan nang makakanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang mga probinsya sa Bicol Region, Eastern Visayas at Caraga.
Sa weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa pagitan ng Marso 25 hanggang Marso 31 ay apektado ng Easterlies ang bansa.
Kumikilos ang nasabing weather condition ng pahilaga at nakakaapekto sa mga probinsya ng Quezon at Aurora ngayong araw.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng maulap na papawirin na may posibilidad na magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog.
Asahan naman ang fair weather condition sa buong bansa ngunit asahan din ang kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog sa silangang bahagi ng bansa.
Pinapayuhan din ng PAGASA ang publiko na iwasan ang physical outdoor activities mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-4:00 ng hapon dahil sa inaasahan ang mataas na temperatura.
“The public is advised to lessen their physical outdoor activities between 12:00 to 4:00 in the afternoon when temperatures are at their highest. Otherwise, drink water regularly, stay and rest in shaded areas from time to time, and wear light-colored clothing to avoid experiencing fatigue, heat cramps and heat exhaustion,” sa abiso ng PAGASA.
