
SUBUKAN N’YO!!!
Namimintong makulong ng hanggang 50-taon ang presidente at mga tauhan nireng Communities Philippines, Inc. at sangay nito na Communities Pampanga, mga housing developer, sa oras na maisampa ng isang mag-asawa ang mga kasong estafa, deceit at iba pang criminal cases laban sa kanila kaugnay ng bahay at lupa na inialok nitong kumpanya sa Apalit, Pampanga.
Bukod dito, mayroon ding posibilidad na masampahan sila ng kasong perjury at madawit pa ang abogado na magnonotaryo ng mga dokumento dahil sa kasong disbarment sa Integrated Bar of the Philippines.
Mantakin ba namang nakapaghulog na raw ng higit P700,000 ang mag-asawa para sa isang bahay at lupa sa Apalit, Pampanga, na iniaalok ng Communities Pampanga, pero nadiskubre nilang hanggang ngayon ay wala pa ring itinatayong bahay ireng hindoropot na kumpanya. Kahit na poste ay wala pa rin daw! Sus, ginoo!!
Bukod dito, ang mga dokumentong pinapirmahan sa kanilang ay mga blangko. At hindi rin sila binigyan ng kopya ng kontrata na pinapirma sa kanila! Susmaryosep na panloloko ito!!
At itinataas nitong Communities Philippines, Inc., ang kanilang monthly amortization gayong wala pa nga itong itinatayong bahay na binibili ng mag-asawa. Tsk, tsk, tsk!
Dahil dito, nagdesisyon na ang mag-asawang biniktima nireng hindoropot na Communities Philippines, Inc., na bawiin na lamang ang kanilang perang inihulog para sa invisible na bahay.
Binabawi nila ang kanilang perang pinaghirapang kitain na hinuthot sa kanila nireng manlolokong Communities Philippines,Inc.!
Pero laking gulat na lamang ng mag-asawa nang sabihin sa kanila sa tanggapan nireng Communities Pampanga, na P200,000.00 lang daw ang kanilang makukuha! Swapang talaga!!
Binanggit daw nireng Communities Pampanga, ang Maceda Law (Republic Act No. 6552), na nagsasabing kapag kinansela ng seller ang kontrata ay ang entitled ang buyer sa refund na katumbas ng 50% ng payments.
Sa madaling sabi ay kalahati ng higit P700,000 o higit P350,000, ang dapat ibalik sa mag-asawa!
Ala, eh, ang P200k ay wala sa kalahati ng higit P700k, ah! Idagdag pa ang interes at ang danyos ng panloloko ng mga hinayupak!
Pero ang sinasabi sa naturang batas ay kapag kinansela ng “seller” ang kontrata. Hindi sinabi sa batas na kapag kinansela ng buyer ang kontrata na magkaiba ng kahulugan at sitwasyon!
Pero, linawin ko lang, mga padrino ko, na kinakansela ng mag-asawa ang kanilang intensyong bumili ng bahay at lupa dahil sa higit P700,000 na nga ang kanilang naihuhulog ay wala pa rin ang naturang bahay at lupa! At tinataasan pa ang kanilang monthly amortization!! Susmaryorsep!
Malinaw na ginagamit nito ang Maceda Law sa kanilang modus ng mga mahihirap na naghahangad magkaroon ng sariling bahay at lupa para sa kinabukasan ng kanilang pamilya!
Biro n’yo, mga padrino ko, mag-aalok ireng Communities Philippines, Inc. ng hulugang bahay at lupa. Hindi nila ipatatayo ang bahay at kapag nainip o nakahalata ang mga bumili ay babawiin na lamang nila ang kanilang perang naihulog sa non-existing na bahay!
At babanggitin ng mga hindoropot sa Communities Pampanga ang Maceda Law na katumbas lang daw ng 35% ng kanilang naihulog ang ibabalik ng kumpanya! Takits na ang mga hinayupak!!
Malinaw na estafa ito at deceit! Malinaw na panloloko ang ginagawa nireng Communities Philippines, Inc. at kasabwat nitong Communities Pampanga!!
Talagang dapat lang na isampa ng mag-asawa ang criminal cases laban sa kanila!
Para maibalibag na ang mga hinayupak na manloloko sa kulungan! At hindi na madagdagan pa ang kanilang mga biktima!!
Abangan!!!
***
Para sa komentaryo: dodorosario@yahoo.com
