
Ni NOEL ABUEL
“First things first – one problem at a time.”
Ito ang giit ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jefferson Khonghun sa pagsasabing ang panawagan na pagbibibitiw ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa tungkulin ay malaking kamalian.
Aniya, dapat iwasan ng mga kaibigan at kaalyado ni Vice President Sara Duterte ang mga pahayag na nagpapakitang gusto nilang sakupin ang Malacañang ngayong maaga, kahit na may higit apat na taon pa si Pangulong Marcos bago nito matapos ang kanyang anim na taong termino sa Hunyo 2028.
“It’s becoming increasingly clear that supporters of the previous administration, like Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, are impatient and unwilling to wait for the May 2028 presidential elections,” ani Khonghun.
Tugon din ito ng tinaguriang “Young Guns” ng Kamara, sa panawagan sa Chief Executive na bitiwan ang kanyang puwesto kung hindi kayang pangasiwaan ang maritime conflict ng Pilipinas sa China. mabuti.
Si Alvarez, na malapit na kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na panaka-nakang tumutuligsa kay Marcos at sa kanyang administrasyon.
Habang si Alvarez ay nagkaroon ng dating iringan sa nakababatang Duterte noong 2018, na nagdulot upang mawala ang pagiging House Speaker.
“His (Alvarez’s) recent statements seem less about genuine concern for national strategy and more about orchestrating a shift in power before the due time. This rush betrays a disregard for the democratic electoral process and the will of the Filipino people,” ayon pa kay Khonghun.
Pinaalalahanan ng kongresista si Alvarez na nakuha ni Marcos ang pinakamataas na boto ng isang kandidato sa pagkapangulo sa kasaysayan ng Pilipinas, na umabot sa 31 milyong boto.
“One must consider the possibility that such calls for President Marcos Jr. to resign are part of a broader destabilization effort, aiming to unsettle the current administration and expedite a political transition that aligns with their interests,” sabi pa ng mambabatas.
“We must remain vigilant and discerning, recognizing these maneuvers for what they potentially are: a calculated attempt to undermine our democracy and manipulate the presidential succession for their gain,” dagdag pa nito, na nagpapahiwatig na ang mga plano sa pagpapatalsik ay dapat na wala sa political equation.
