Pagtatatag ng center for disease control and prevention, and virology institute iginiit ng senador

Senador Christopher Bong Go

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go, na agad na itatatag ang Center for Disease Control and Prevention ss bansa, at ang Virology Science and Technology Institute bunsod na rin ng nararanasang maiinit na panahon na may dalang mga sakit.

“Recently, nakita natin ang pagtaas sa bilang ng mga kaso ng ilang communicable diseases, such as pertussis and measles. Bagama’t wala namang surge sa mga hospital admissions on a national level, we have seen some uptick in the number of cases prompting some LGUs to declare pertussis outbreak,” ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health.

Nitong nakaraang linggo, ang Quezon City, Iloilo City, at lalawigan ng Cavite ay nagdeklara ng localized outbreak ng pertussis o whooping cough at ilang lugar din ang nag-ulat ng lubhang pagtaas sa bilang ng mga kaso nito kabilang ang Rizal, Taguig City, Pasig City, Laguna, Batangas, Quezon province, at Lucena City.

Noong nakaraang Marso 30, ang Private Hospitals Association of the Philippines ay iniulat ng bahagyang pagtaas sa mga admission sa ospital dahil sa pertussis.

Sinabi rin ng Department of Health (DOH) na ang bansa ay nakapagtala ng kabuuang 568 na kaso mula Enero hanggang Marso 16. 26 na kaso lamang ang naiulat sa parehong panahon noong nakaraang taon. Apatnapu ang namatay mula sa sakit hanggang sa taong ito.

Bukod sa pertussis, inihayag din ng DOH ang mahigit 2,600 kaso ng tigdas mula Setyembre noong nakaraang taon, kung saan kalahati ng bilang na ito ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“We must ensure that the country is not caught unprepared, underequipped or understaffed in the fight against future challenges to the health of our people,” paliwanag ni Go.

Leave a comment