
Ni NOEL ABUEL
Nakatakdang iimbestigahan ng Kamara ang nangyaring pambubugbog sa babaeng taekwondo newbie ng isang blackbelter na lalaki sa isang pagsasanay ng mga ito.
Sa House Resolution No. 1670 na inihain ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo kasama sina ACT-CIS party list Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Go Yap, at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendell Tulfo, layon nito na imbestigahan ang nangyaring pambubugbog sa 17-taong gulang na babae na taekwondo newbie sa kaniyang training sa Bocaue, Bulacan.
Sinabi ni Tulfo na iniutos ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na iimbestigahan ang sinapit na mga pasa at sugat ang 17-anyos na yellow belter na babae matapos itong payagang mag-sparring ng kanyang coach sa isang lalaki na mas mataas sa kanya at black belter sa taekwondo.
“The circumstances surrounding this incident raise serious concerns about the safety protocols, supervision, and regulations within the Taekwondo community, particularly regarding the appropriateness of match-ups between practitioners of different skill levels during training sessions,” ayon sa resolusyon.
“The safety and well-being of athletes, especially minors, should be paramount in any sporting activity, and coaches and trainers have a duty of care to ensure that training sessions are conducted in a manner that minimizes risks of injury or harm,” dagdag pa nito.
Sinabi niTulfo, na gustong matukoy ni Romualdez kung sino ba ang mga nagbabantay at tumitingin sa mga training sessions, hindi lamang sa taekwondo kundi maging sa ibang sports.
“Lalo na ngayon, maraming summer classes sa iba’t ibang klaseng sports, hindi lang sa taekwondo, pero maging sa basketball, swimming, football, tennis, at iba pa. Gustong malaman ni Speaker Romualdez, kung sino ang nagbabantay sa mga ito para masigurong ligtas ang mga nagte-training na karamihan ay mga menor de edad? Paano natin masisiguro ang kaligtasan nila?” pag-uusisa ni Tulfo.
Nakasaad din sa resolusyon na ang imbestigasyon ay naglalayong mapag-aralan at ma-evaluate ang mga kasalukuyang regulasyon, mga kasanayan, at pamantayan sa mga taekwondo community.
“It is imperative to ensure accountability and transparency in the sports sector, particularly in matters concerning the safety and welfare of athletes, coaches, and stakeholders involved in sports development and promotion,” ayon pa sa resolusyon.
