
Ni JOY MADELEINE
Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipinong nasaktan sa nangyaring malakas na paglindol sa Taiwan noong nakalipas na Marso 3.
Ito ang ginawang kumpirmasyon ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac sa kanyang Twitter post.
Dahil dito umabot na sa apat na overseas Filipino workers (OFWs) ang nasugatan sa magnitude 7.2 na lindol sa Taiwan.
“She sustained head injuries due to falling debris. She is out of harm’s way and is being treated by a doctor,” ayon pa sa post ni Cacdac.
Sinabi pa ni Cacdac na tinitiyak nito na ang DMW Migrant Workers Offices sa Taipei, Taichung, ar Kaohsiung ay hindi tumitigil sa pag-monitor sa sitwasyon hangga’t hindi natitiyak na ang lahat ng OFWs sa Taiwan ay nakumpleto na ang bilang.
Una nang iniulat ng DMW na tatlong OFWs ang nagtamo ng minor injuries sa nangyaring paglindol kabilang ang isa sa mga ito na nagtamo ng head injury habang ang isa pa ang nawalan ng malay tao at dumanas ng mild stroke.
Sa pinakahuling datos, aabot na sa 10-katao ang nasawi habang libu-libo pa ang naiulat na nagtamo ng sugar sa iba’t ibang bahagi ng katawan at marami pa rin ang nawawala.
