
Ni MJ SULLIVAN
Muling niyanig ng malakas na paglindol ang probinsya ng Davao Occidental kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa datos ng Phivolcs, ganap na alas-11:10 ng gabi nang maitala ang magnitude 4.5 sa richer scale na natukoy ang sentro sa layong 016 km hilagang silangan ng Sarangani Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 044 km at tectonic ang origin.
Samantala, alas-12:32 ngayong tanghali nang maitala ang magnitude 3.4 na lindol sa layong 047 km hilagang silangan ng Mercedes, Eastern Samar at may lalim lamang na 007 km at tectonic ang origin.
Ganap namang alas-4:18 ng hapon nang muling yanigin ng lindol ang Davao Occidental.
Naitala ang magnitude 3.5 na lindol na ang sentro ay nasa 201 km timog silangan ng Balut Island, Sarangani ng nasabing lalawigan at may lalim na 163 km.
Wala namang naitalang danyos ang Phivolcs sa nasabing mga paglindol.
