American fugitive arestado sa Cebu

Ni NERIO AGUAS

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na wanted sa bansa nito sa kasong fraud.

Kinilala ang pugante na si Paul David Cardwell, 57-anyos, na nagtangkang palawigin ang kanyang temporary visitors’ visa gamit ang online services ng BI noong Marso 27.

Sinabi ni BI tourist visa section chief Raymod Remigio na nang sumalang ang rekord ni Cardwell ay nakitang may kaduda-duda kung kaya’t sumailalim sa pangalawang pagsusuri at dito nakita na nahatulan ito bilang US felon.

Iniulat na isa itong wanted fugitive wanted dahil sa pagtangay sa tinatayang $850,000 o mahigit sa P48M mula sa isang ospital sa Wyoming, USA.

Isang manhunt at intelligence operations ang isinagawa sa Cebu noong Abril 3 at nang magtangka itong mag-usisa sa proseso ng pag-apply ng permanent residence visa ay agad itong inaresto.

Nauna nang naging headline ng balita ang naturang American national dahil sa nasabing kaso matapos itong utusan na magsilbi ng mahigit sa 10 taon sa bilangguan.

Narinig din umano itong nagsabing “I was prideful, I was arrogant, and I’m a thief”.

Base public records, nadakip din ito sa Bangkok dahil sa kasong fraud subalit nakatakas.

Kasalukuyan nakakulong sa BI jail facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si Cardwell habang inihahanda ang resolusyon para sa pagpapatapon dito pabalik ng US.

Leave a comment