
BY KAREN SAN MIGUEL
Dalawang tauhan ng Philippine Navy (PN) ang nasawi matapos bumagsak ang sinasakyan ng mga itong helicopter sa lalawigan ng Cavite ngayong umaga.
Ayon sa ulat, isinugod pa sa pagamutan ang mga biktima subalit hindi na umabot pang buhay.
Base sa inisyal na impormasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), bumagsak di kalayuan sa Cavite City Public Market ang A PN Robinson R22 trainer helicopter.
Sinasabi ng ilang nakakitang residente ng nasabing lugar na nagpaikot-ikot ang helicopter bago bumulusok at bumagsak.
“A PN Robinson R22 trainer helicopter conducted an emergency landing this morning in the vicinity near of Cavite City Public Market,” ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla.
“The two navy aviators were rushed to the hospital for medical treatment but succumbed to their injuries,” dagdag nito.
Sinabi pa ni Padilla na isang imbestigasyon na ang isinasagawa upang malaman ang dahilan ng pagbagsak ng nasabing helicopter.
