Sabungan!!!

SUBUKAN N’YO!!!!

Nagsimula na ang kalbaryo ng mga residente sa paligid ng newly-constructed Cockpit Arena sa Molino-Paliparan Road, Barangay Molino IV, Bacoor City, Cavite.

Kalbaryo rin ang dinaranas ng mga motorista dahil sa grabeng trapik dulot nitong sabungan dahil nakaparada na sa naturang national road ang mga sabungero.

Bagama’t walang pangalan ang sabungan, ito ay labag sa batas dahil 30-metro lamang ito sa Georgetown Heights Subdivision na mayroong ding commercial, simbahan at public school; ilang metro lamang sa kabahayan sa Libis, sa Meadow Park Subdivision; 120-metro hanggang sa Metro South Medical Center at 150-metro sa Mary Homes Subdivision na mayroon ding mga eskuwelahan, commercial establishments at simbahan.

Sa ilalim ng Executive Order No. 318, s. 1941 na epektibo pa rin hanggang ngayon ay nagsasabing “2. No cockpit shall be constructed or permitted to operate within the radius of one thousand lineal meters from any city hall or municipal building, provincial building, public plaza, public school, church, hospital, athletic stadium, public park, or any institution of learning or of charity; neither shall permit be issued for the construction or operation of a cockpit on a lot which is not provided with sufficient space for parking and the public roads or highways shall not be used for such purpose.”

Sus!

At sa ilalim ng Presidential Decree No. 449, Section 5 (c) nito ay malinaw na nagsasabing “c. Cockpits Size and Construction – Cockpits shall be constructed and operated within the appropriate areas as prescribed in the Zoning Law or Ordinance. In the absence of such law or ordinance, the local executives shall see to it that no cockpits are constructed within or near existing residential or commercial areas, hospitals, school buildings, churches, or other public buildings.“

Malinaw, mga padrino ko, na sadyang nilabag ng city governments executives ang mga naturang batas.

Malinaw na ang tingin nireng Bacoor City executives ay may sarili silang batas kaya binabalewala nila ang mga batas na nagsasabing bawal ang sabungan na malapit sa residential at commercial areas, hospitals, school buildings at simbahan. Tsk, tsk, tsk!

Nag-aapoy sa galit ang mga residente sa paligid nireng newly-constructed na sabungan lalo na ang mga misis sa Libis kasi nga ay naisusugal pa sa sabong ang pambili ng bigas ng mga mister para sa pamilya.

Sa madaling sabi ay pinagsasabong nireng illegally constructed cockpit arena ang mag-asawang tahimik na namumuhay sa kanilang lugar. Tsk, tsk, tsk!

Bukod dito, grabe ang trapik sa 6-lane Molino-Paliparan Road dahil sa ginawang paradahan ng mga sabungero ang highway na malinaw na labag din sa batas. Sus, ginoo!

Dapat lang na gibain ireng newly-constructed na sabungan at turuan ang mga hindoropot na city executives na nagpahintulot sa construction nire sa lugar na ipinagbabawal ng batas.

Dapat ding magreklamo sa Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa local executives kabilang si Mayor Strike Revilla at mga may-ari nireng illegally constructed na sabungan.

Ibalibag sila sa kulungan!

                                                                    ***

Nagpasya na ang mga veteran media practitioners na nagko-cover ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na muling buhayin ang DPWH Press Club dahil sa namamayagpag na raw doon ang katiwalian at iregularidad.

Pinili lamang ng ilang tiwaling DPWH officials ang miyembro ng media na kanilang pahihintulutang pumasok sa departamento.

Naghaharing-uri sa DPWH ang sindikato ng unscrupulous contractors sa pakikipagsabwatan ng engineers sa departamento sa pangunguna ng isang high-ranking official, ayon sa reliable source.

Dahil dito, desidido ang veteran media practitioners na buuin muna ang kanilang hanay at makipagpulong kay Sec. Manuel Bonoan, para magsilbi silang watchdog na naglalayong baliin ang sungay ng namamayagpag na kabulastugan sa departamentong kanila nang natutong mahalin mula pa noong 1986.

Abangan!!!

                                                                    ***

Para sa komentaryo: dodorosario@yahoo.com

Leave a comment