Zamboanga del Norte at Surigao del Sur nilindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng malakas na paglindol ang Zamboanga del Norte at kalapit lalawigan nito, ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa datos ng Phivolcs, alas-8:02 ng umaga nang maitala ang magnitude 4.7 sa Richer scale na natukoy ang sentro sa layong 009 km hilagang kanluran ng Manukan, Zamboanga del Norte.

May lalim itong 014 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity IV sa Manukan, Zamboanga del Norte at intensity II sa President Manuel A. Roxas, Katipunan, at lungsod ng Dipolog, Zamboanga del Norte at intensity I naman sa lungsod ng Dapitan, Zamboanga del Norte.

Sa instrumental Intensities naman ay naitala ang intensity II sa syudad ng Dapitan at Dipolog, Zamboanga del Norte at intensity I sa Sindangan, Zamboanga del Norte.

Samantala, dakong alas-3:34 ng hapon nang maitala ang magnitude 3.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur na may lalim na 014 kim sa layong 131 km hilagang silangan ng Hinatuan.

Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay aftershock ng magnitude 7.4 na naitala noong Disyembre 2023.

Leave a comment