
Ni NOEL ABUEL
Pinuri ng mga pinuno ng Kamara si
Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa tagumpay nitong Trilateral meeting sa Washington D.C. kasama si US President Joe Biden at si Japan Prime Minister Fumio Kishida.
Ayon sa mga kongresistang miyembro ng “Young Guns”, malaking tagumpay ang resulta ng pakikipagpulong ni Pangulong Marcos para mapalakas ang diplomatic at military alliance sa US at Japan higit lalo sa gitna ng agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea.
“The summit shows a concrete way forward for deeper cooperation among the Philippines, US and Japan as natural partners linked together by the Pacific Ocean,” ayon kay House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.
Sinabi ng iba pang kasamahan ni Adiong na ito ay nagpakita kung gaano kasipag ni Pangulong Marcos na laging isinasaisip ang kapakanan ng mga Pilipino, sa kasong ito ay ang pagprotekta sa maritime territorial integrity ng bansa sa pamamagitan ng pagtiyak na walang isang pulgada ang ibibigay sa mga panghihimasok sa kabila ng paulit-ulit na pambu-bully ng Beijing.
“The summit underscored the importance of multi-layered collaboration among allies to strengthen the free and open international order based on the rule of law amid the various crises in the world right now,” ani Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario.
Sa panig naman ni Taguig Rep. Pammy Zamora, na ang kamakailang makasaysayang Trilateral meeting, umaasa ito sa makabuluhang pag-unlad sa bilateral at trilateral na kooperasyon, kabilang ang pagtatapos ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa Japan.
Ayon naman kay House Deputy Majority Leader at PBA party-list Rep. Migs Nograles, ang kauna-unahang summit ay nagpapatibay sa trilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas, US, at Japan para sa katiwasayan at kasaganahan sa Indo-Pacific region.
“The dialogue between the three leaders gives us a higher sense of peace of mind, knowing fully well that we are not alone in this journey, that we have allies who are sympathetic to our cause,” sabi naman ni Another administration lawmaker, La Union Rep. Paolo Ortega.
