
SUBUKAN N’YO!!!
Kahanga-hanga ang pagdisiplina nitong si president and CEO Ramon S. Ang, ng San Miguel Corporation, sa kanyang mga anak.
Disiplinang masaya namang sinusunod ng kanyang mga anak dahil alam nilang para sa kanilang kapakakanan ang mga ito.
Bagama’t isa sa pinakaabalang nilalang dito sa bansa itong si RSA dahil sa kanyang mga pinamumunuang malalaking kumpanya o korporasyon ay tinitiyak niyang mayroon siyang oras para sa obligasyon at responsibilidad sa kanyang pamilya.
Pamilya niya ang pinakamahalaga sa kanyang buhay! Wow!!
Lagi niyang ipinapaalala sa kanyang mga anak ang simpleng pamumuhay at maging magalang sa kapwa, maging mapagkumbaba at maging mabuting mamamayan ng bansa na may takot sa Diyos.
Marami pa akong hinahangaan dito sa 3rd richest man sa bansa pero ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya ang dapat tularan ng lahat.
Kahit ano pa ang ating katayuan sa lipunan ay hindi natin dapat pabayaan ang pamilya!
Sana marami pa sa atin ang tulad nireng si RSA!
Nagkober ako ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula noong 1986 nang ako ay reporter pa ng Balita.
At naging kolumnista man ako mula noong 1998 ay patuloy pa rin ang aking komunikasyon sa aking pinagkakatiwalaang news sources.
Alam n’yo, mga padrino ko, mayroon palang opisyal diyan sa DPWH na namumuno ng sindikato ng mga unscrupulous contractors at ilang tiwaling executives. Yaon bagang executives na nakapwesto dahil na rin sa kahunghangan! Tsk, tsk,t sk!!
Matindi ang pangangailangan nireng DPWH ranking official kasi utang na loob niya ang kanyang pwesto sa dalawang politikong nakatikim na ng buhay sa bilangguan dahil sa kanilang pagnanakaw daw sa kaban ng bayan.
Sa madaling sabi, nagnanakaw ireng opisyal hindi lamang para sa kanyang sariling pangangailangan kundi para ibigay sa pangangailangan ng pamilya nireng buwayang politiko! Sus, ginoo!!
Kaya nakausap ko ang ilang veteran media practitioners na nagkokober ng departamento at nagpasya kaming muling buhayin ang DPWH Press Club para mabantayan ang mga nefarious activities nyaring mga hindoropot na sindikato!
Kapag nabuo na ang mga opisyal ng DPWH Press Club ay makikipag-ugnayan kami kay Sec. Manuel Bonoan para sabihin sa kanya ang aking nalalaman sa sindikato at ihahayag naming ang aming rekomendasyon para ito mabuwag.
Naniniwala akong nalansi nireng DPWH official si Sec. Bonoan at nakita ko ang post ng isang extortionist na kasarap ng ngiti dahil sa litrato nila. Alaga nireng opisyal ang naturang extortionist dahil sa siya ang supplier ng chicks nito.
Bilang na ang maliligayang araw nireng sindikato sa DPWH!
Abangan!!!
Ang Subukan N’yo! ay labis na nagpapasalamat kay General Manager Mel Robles, ng Philippine Charity Sweepstakes Office, dahil sa kanyang walang kapagurang pagtulong sa mga kababayang nangangailangan.
Mabuhay ka, GM Mel!
Para sa komentaryo: dodorosario@yahoo.com
