BI magsasagawa ng service caravan sa Iloilo

Ni NERIO AGUAS

Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na magsasagawa muli ito ng malawakang service caravan sa lalawigan ng Iloilo.

Gaganapin ang ikalawang bahagi ng Visayas leg ng Bagong Immigration Service Caravan sa Seda Hotel sa Iloilo sa Abril 17.

Ang inisyatiba, ayon sa BI, ay naglalayong magbigay ng maginhawang proseso sa mga mahahalagang serbisyo para sa mga dayuhan sa mga piling lugar sa buong Pilipinas.

“We wish to bring our services closer to the people. Apart from our online services, we are also visiting key cities to facilitate immigration compliance,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Ang service caravan ay bibisita sa mga pangunahing rehiyon sa buong bansa kung saan magbibigay ng mabilis na pagproseso ng mga transaksyon sa BI kabilang ang tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang clearances.

Sa pamamagitan ng direktang pagdadala ng mga serbisyo sa mga tao, layunin ng BI na i-streamline ang mga proseso at alisin ang pangangailangan para sa malayong paglalakbay.

Bilang karagdagan sa mga pinabilis na serbisyo, ang mga mamamayan ay maaari ring magsampa ng kanilang reklamo laban sa mga ilegal na dayuhan at mga foreign sexual predators sa kanilang lugar sa pamamagitan ng caravan.

“As part of our #ShieldKids Campaign, we have intelligence personnel joining our caravan to receive information from community members regarding foreign sexual predators and sex tourists that might be plaguing their area,” ayon sa BI chief.

Nagpahayag si Tansingco ng tiwala para sa service caravan at idiniin ang kahalagahan nito sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyong pampubliko na malapit sa publiko.

“This represents a significant milestone in our ongoing efforts to improve our services by making these more accessible, both online and offline,” ayon pa kay Tansingco.

“By bringing our services directly to the communities we serve, we aim to enhance accessibility, efficiency, and transparency in our operations, ultimately contributing to a safer and more secure Philippines,” dagdag nito.

Una nang isinagawa ang unang service caravan sa Zamboanga City noong Marso 6 kung saan ang Iloilo leg ay magbubukas ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:30 ng hapon.

Leave a comment