
Ni MJ SULLIVAN
Niyanig ng magkahiwalay na malakas na paglindol ang lalawigan ng Surigao del Sur at Eastern Samar, ngayong araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), magnitude 4.1 ang naitala sa Surigado del Sur dakong alas-4:17 ng hapon.
Nakita ang sentro ng lindol sa layong 072 km hilagang silangan ng Lingig, Surigao del Sur at may lalim lamang na 007 km at tectonic ang origin.
Ganap na alas-2:08 ng hapon nang maramdaman ang magnitude 3.9 na lindol sa Eastern Samar.
Ang sentro ng lindol ay natukoy sa layong 104 km timog silangan ng San Policarpo, Eastern Samar at may lalim na 012 km at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang danyos ang Phivolcs at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
