Sigalot sa WPS propaganda ng China — solon

Ni NOEL ABUEL

Naniniwala si Senate Majority Leader Joel Villanueva na propaganda ng China ang nangyayaring usapin ngayon sa West Philippine Sea.

“I really believe so. I really believe so that it’s just a plain, simple propaganda of the Chinese government. And look at the ambassador, kung anu-ano na naman ‘yung sinasabi niya. May 1, 2, 3 na naman siya. Come on, this is not the first time that we caught him lying, di ba? And that’s why we were saying na dapat palitan siya, ibalik siya doon sa Beijing eh. So ako, wala akong kaduda-duda that this is part of their plan, this is part of their strategy. So let’s not fall into their traps,” giit ni Villanueva sa isinagawang Kapihan sa Senado.

“Well, we are somehow falling into the trap of this bullying nation,” dagdag nito.

Apela pa ni Villanueva sa lahat ng nagsasalita hinggil sa WPS na magdahan-dahan upang hindi makadagdag sa pagkakagulo kung mayroon ngayong gentleman’s agreement ang pinasok si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

“Lahat nagsasalita na. I mean, lahat, biglang naging eksperto, no? Pakiusap ko lang, konting yuko lang at minsan hindi natin talaga alam lahat eh. We can learn from each other, we have a pool of experts we can tap, and I’m sure they are in a much, much, much better position to give their views and advise us on what we can do. Importante lang na isa lang ‘yung pinaghuhugutan natin lahat. ‘Yung exclusive economic zones, atin ‘yan. ‘Yung 200 nautical miles mula sa baseline na island natin, atin ‘yan. There’s no question about it. Ang Ayungin Shoal ay atin, Scarborough Shoal ay atin. Ang West Philippine Sea ay atin. Ini-encourage ko kayong lahat, kung gusto n’yo magsuot ng t-shirt ng West Philippine Sea, why not?,” paliwanag pa ng senador.

“That’s why I am humbly appealing to whoever they are that you’re talking to. Whether it’s my colleague here in the Senate, a legislator, kung sinuman, influencer man, dating parte ng pamahalaan, sinuman ‘yung nagsasalita na pause muna. Pause for a while and just think about how we can all be united. May common denominator tayo. We’re all Filipinos. May common denominator tayo. I think no one would ever question ‘yung ating exclusive economic zone. No one could ever question and say na disagree sila doon sa naging arbitral ruling. So, we can go from there. And siguro mas maganda kung magsasalita tayo na salungat doon sa ating national policy on this particular issue, siguro mas magandang ipasabi na lang natin, not in public, na meron tayong ganitong idea. Baka pupwedeng ganitong track ang tahakin natin,” apela pa ni Villanueva.

Hindi aniya ito naniniwala na nagkukulang ang bansa ng mga eksperto sa paghahanap ng solusyon sa nasabing usapin.

“I don’t believe na kulang tayo sa pool of experts. In addressing this particular issue. Importante, magawa natin lahat ng kaya nating gawin. Alam natin na this is very challenging. Alam natin na malaki ‘yung kalaban natin. But you have to choose your side. You have to choose your side. Kahit sino pa po tayo. Tayo ba ‘yung Pilipino, maka-Pilipino o makaibang bansa,” aniya pa.

Leave a comment