Surigao del Norte niyanig ng sunud-sunod na paglindol

Ni MJ SULLIVAN

Muling niyanig ng sunud-sunod na paglindol ang probinsya ng Surigao del Norte ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa datos, dakong alas-12:06 ng tanghali nang maitala ang pinakamalakas na magnitude 5 sa richer scale na nakita ang sentro sa layong 033 km hilagang silangan ng General Luna, Surigao del Norte.

May lalim itong 020 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity III sa Dapa at Pilar, Surigao del Norte at intensity II naman sa Burgos, ng nasabing probinsya.

Intensity I naman ang naitala sa lungsod ng Surigao, Surigao del Norte.

Habang sa instrumental intensity ay naitala ang intensity II sa lungsod ng Surigao, Surigao del Norte.

Nag-abiso rin ang Phivolcs na asahan ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na araw kung kaya’t pinag-iingat ang mga ito.

Wala pang naitalang danyos ang nasabing malakas na paglindol at wala ring iniulat na nasaktan o nasawi.

Samantala, umaabot sa 20 aftershocks din ang naitala na ang pinakalakas ay magnitude 3.4.

Leave a comment