Paglaban sa hoarders at profiteers, hindi titigilan — Speaker Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Muling pinagtibay ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kanyang pangako na labanan ang hoarding, profiteering at smuggling ng mga produktong agrikultura na ginagawa itong pangunahing prayoridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“Tuloy ang laban natin kontra sa mga hoarders, profiteers, at smugglers ng mga agricultural products,” sa pahayag ni Romualdez sa pagbabalik ng Kongreso.

“Hahabulin natin ang mga nagsasamantala sa presyo ng mga bilihin. Hindi natin papayagan na ordinaryong Pilipino ang maghihirap dahil lamang sa pagkaganid nila sa pera,” dagdag nito.

Inulit ni Romualdez ang kanyang pangako habang nagpahayag ng matinding pagkabahala sa lumalawak na agwat sa pagitan ng farmgate at retail prices ng mga mahahalagang bilihin, lalo na ang bigas.

Sinabi nitong hindi titigil ang Kamara sa paglaban sa hoarding, profiteering, at smuggling ng mga produktong agrikultura, at tinitiyak ang patas na presyo para sa mga magsasaka at mga mamimili.

“The discrepancy between farmgate and retail prices of basic goods is alarming and warrants immediate attention. We cannot ignore the plight of our farmers who are struggling to make ends meet, nor can we turn a blind eye to the burden placed on consumers,” sabi ng lider ng mahigit 300 kongresista.

Upang matugunan ang matinding isyung ito, nagpulong ang House Committee on Trade and Industry upang tumanggap ng mga briefing mula sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno hinggil sa pagpapatupad ng mga batas at programa na namamahala sa mga mekanismo at regulasyon para sa mga pangunahing pangangailangan at pangunahing bilihin.

“We must identify and address loopholes that contribute to profiteering and unfair pricing practices within the supply chain,” aniya.

“At the end of the day, we want to make sure that all the stakeholders in whatever industry or sectors are viable, if they are in the business side of it, so that it becomes sustainable so that we can continue delivering basic goods and services to the consumers at sustainable, affordable prices,” giit nito.

Leave a comment