
Ni NOEL ABUEL
Umapela si Senate President Juan Miguel Zubiri sa Department of Education (Deped) at Commission on Higher Education (CHED) na ibalik na sa dating school year calendar ang pasukan sa paaralan dahil sa hindi na makayanang init ng panahon na nararanasan ngayon.
“Aside from exposing our students and teachers to the dangers of extreme heat, I honestly believe that the prevailing weather conditions during summer are not conducive to learning,” sabi ni Zubiri.
Ayon pa kay Zubiri, ang halos hindi matiis na pagtaas ng temperatura ngayong tag-init at ang paulit-ulit na pagkansela ng face-to-face classes ay parehong nakahihikayat na mga dahilan upang mabilis na subaybayan ang pagbabalik sa Hunyo hanggang Marso ang academic calendar at mailigtas ang mga mag aaral, pati na rin ang mga guro, mula sa masamang epekto ng matinding init.
“Kaya kung pwede sana, huwag na natin hintayin ang school year 2025-2026. Kung kayang ipatupad sa susunod na school year, gawin na natin at kawawa ang ating mga estudyante sa susunod na summer,” pahayag nito.
Sinabi pa ni Zubiri na binawi na rin nito ang Senate Bill No. 788 na inihain nito sa pagsisimula ng 19th Congress na gawing synchronizes ang school year na magsisimula sa Agosto.
“In an ideal world, we do want to be in sync with international school calendars, to give our students a better chance at getting into programs abroad. But the reality is that the August calendar has proven to be disruptive to our education system, and even dangerous to the health of our children and school staff,” paliwanag nito.
“We have studied the results in the last two years mas maraming school suspension ngayon, halos linggu-linggo ay may school suspensions,” aniya pa.
Dinagdag pa ni Zubiri na dahil sa class suspensions dahil sa mainit pa panahon na nagsimula noong Abril 4, aabot sa kabuuang 4,000 eskuwelahan ang nagsuspende ng face-to-face classes at lumipat sa asynchronous at distance learning modes.
Isang linggo pa ang lumipas, noong Abril 12, umabot na sa kabuuang 7,000 eskuwelahan ang nagsuspende ng face-to-face classes na nakaapekto sa milyong estudyante.
Mula noon, ipinatupad na ang Department Order 37 ng DepEd, na nagbigay ng awtoridad at diskresyon sa mga school heads na suspendehin ang in person classes at lumipat sa alternative delivery mode sa mga kaso ng matinding init, na umabot pa sa 45 degrees Celsius sa ilang bahagi ng bansa.
