Indian national hinarang sa Davao airport

Ni NERIO AGUAS

Pinigilang makapasok ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian national matapos magpakita ng pekeng dokumento.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang nasabing dayuhan na si Gagandeep Singh, 19-anyos, na dumating sa Davao International Airport (DIA) noong Abril 27 sakay ng Scoot airline mula sa Singapore.

Nabatid na nang dumaan sa immigration counter ang naturang dayuhan ay napansing kuwestiyonable ang travel documents at pekeng return ticket nito.

“Mr. Singh’s presentation of a falsified document suggests an intention to reside illegally in the Philippines beyond the permissible duration,” sabi ni Tansingco.

Si Singh ay pinaghihinalaan ng mga opisyal ng BI na miyembro ng illegal lending gang, na kuwestiyonable ang pagpasok nito sa bansa.

“We welcome legitimate tourists to the country, but those who present fake documents with suspicious intentions will be denied,” ayon sa BI chief.

Agad na ipapatapon mula sa pinanggalingang bansa ni at awtomatikong isasama ang pangalan nito sa BI blacklist order.

Leave a comment