
Ni JOY MADELEINE
Pinatawan ng habambuhay na pagkabilanggo ng korte ang modelong si Deniece Cornejo at ng negosyanteng si Cedric Lee, Ferdinand Guerrero at Zimmer Raz dahil sa pambubugbog at actor at TV host na si Vhong Navarro noong Enero 2014.
Sa 94-pahinang desisyon ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 ito, hinatulan nito sina Lee, Cornejo, Guerrero, at Raz na guilty “beyond reasonable doubt” ng serious illegal detention for ransom sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code.
Sinentensyahan ang mga ito ng parusang reclusion perpetua o hanggang 40 taon na pagkakakulong maliban pa sa pinagbabayad ang mga ito ng P300,000 kay Navarro para sa civil indemnity, moral damages, at exemplary damages.
“It is all too apparent that the accused planned and premeditated to restrain Vhong Navarro to extort money from him. Proof of their agreement is inferred from their conduct before, during, and after the commission of the crime,” saad ng korte.
Agad na ring kinansela ang bail bond ng mga akusado at inaresto na sila matapos basahan ng hatol at inisyuhan ng warrant of arrest ang hindi nagpakitang sina Lee at Guerrero para sa agad na ikadarakip nito.
Nag-ugat ang kaso sa pambubugbog kay Navarro dahil inakusahan ito ng tangkang panggagahasa kay Conrnejo, ngunit lumitaw na may nauna nang mga naging pag-uusap sina Denice at Vhong at setup ang presensya sa lugar nina Lee at Raz.
Sinabi ng legal counsel ni Navarro na si Atty. Alma Mallonga na sina Raz at Cornejo, na mga personal na dumalo sa proklamasyon, ay agad na “committed” ng korte.
Bagama’t hindi dumalo si Navarro sa pagdinig, sinabi ng kaniyang legal counsel na tinatanggap ng una ang desisyon.
