


Isang pagdiriwang ng culinary artistry at passion gamit ang locally sourced products ang itinampok sa Las Piñas Cook Fest na ginanap ngayong araw, Mayo 2, sa Villar Sipag complex.
Ang pagdiriwang na pinasimulan ni Senador Cynthia Villar, at ng Villar Foundation ay nagpakita ng mga kasanayan sa pagluluto ng mga Las Piñeros bilang suporta sa mga lokal na magsasaka at mangingisda.
Animnapung (60) kalahok mula sa 20 barangay ng lungsod ang sumali sa kompetisyon, kung saan nabigyan ng cash prizes at trophies ang mga nanalo.
Ang Cook Fest ay ginaganap taun-taon kasabay ng Urban Gardening Competition kung saan naman humihikayat ng pagtatanim ng gulay ang mga mamamayan ng Las Piñas para naman sa food sustainability.
