Mindanao at Ilocos Norte niyanig ng lindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng magkakasunod na paglindol ang ilang lugar sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental at sa Ilocos Norte, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa datos na naitala ng Phivolcs, magkakatulad na magnitude 3.9 ang naitala sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental habang magnitude 3.6 naman sa Ilocos Norte.

Alas-2:24 ng ngayong hapon nang yanigin ng lindol ang bayan ng Burgos, Surigao del Norte sa layong 042 km hilagang kanluran at may lalim na 017 km at tectonic ang origin.

Una namang naitala ang magnitude 3.9 na lindol dakong alas-6:03 ng umaga sa layong 076 km hilagang silangan ng Lingig, Surigao del Sur na may lalim na -25 km at tectonic ang origin.

Habang sa Davao Oriental ay nilindol dakong alas-12:37 ng madaling-araw na nakita ang sentro sa layong 139 km timog silangan ng Governor Generoso.

May lalim itong 025 km at tectonic din ang origin.

Samantala, alas-2:46 ng madaling-araw namang nang yanigin ng lindol ang Ilocos Norte.

Nakita ang sentro ng lindol sa layong 006 km hilagang silangan ng bayan ng Vintar at may lalim na 021 km.

Ayon sa Phivolcs, wala namang naitalang danyos ang nasabing magkakasunod na paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment