
Ni MJ SULLIVAN
Niyanig ng lindol ang lalawigan ng Ilocos Norte, Zambales at ang Cagayan ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa datos ng Phivolcs, ganap na alas-3:08 ng madaling-araw nang yanigin ng magnitude 4.0 sa richer scale ang Cabangan, Zambales na may lalim na 011 km.
Naitala sa instrumental intensities ang intensity II sa San Antonio, Zambales at intensity I sa Cabangan ng nasabing probinsya.
Ganap namang alas-8:38 ng umaga nang tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte na may lalim na 003 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity II sa Solsona, Dingras, at Sarrat, Ilocos Norte at intensity I naman sa Marcos at Pinili, ng nasabing probinsya.
Samantala sa instrumental intensity ay nakita ang intensity II sa Solsona, Ilocos Norte.
Ganap namang alas-10:18 ng umaga nang yanigin naman ang magnitude 4.1 na lindol ang Dalupiri Island, Calayan, Cagayan.
May lalim itong 019 km at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang danyos ang nasabing magkahiwalay na paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
