
Ni NERIO AGUAS
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang state-of-the-art Central Logistics Center building sa bayan ng Balatan, Camarines Sur.
Sa kanyang ulat kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, sinabi ni DPWH Regional Office 5 Director Virgilio C. Eduarte na ang bagong pasilidad na ipinatupad ng Camarines Sur 5th District Engineering Office (DEO) ay magsisilbing pinakabagong hub ng transportasyon at warehouse sa lugar.
Nagkakahalaga ng P19.3 milyon, ang natapos na proyekto ay isang 1,080-square-meter fully furnished building na may air-conditioned office space, utility room, logistics area, at hiwalay na comfort room para sa lalaki at babae.
“This facility with its contemporary features and view of the scenic coastline, is expected to improve transactions significant in terms of goods distribution in the area,” sabi ni Eduarte.
Bilang karagdagan, ang bagong gusali ay maaaring magsilbing alternatibong lugar para sa iba’t ibang mahahalagang okasyon sa bayan, malalaking pagpupulong, workshop, pagsasanay, gayundin ang evacuation area kung sakaling magkaroon ng kalamidad.
