
Ni NOEL ABUEL
Pinangunahan ni House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar ang inagurasyon at pagbabasbas ng drug testing laboratory ng Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center (LPGHSTC), na nagpalakas sa katuparan ng layunin nitong maging nangungunang multi-specialty healthcare facility at trauma center sa katimugang bahagi ng Metro Maynila sa 2028.
“Masaya akong maging bahagi ng okasyong ito. I share your pride and joy in celebrating this milestone. With the opening of this drug testing laboratory, we are inching closer to achieving our dream of being the south’s premier health facility, delivering quality and world-class services not only to the residents of Las Piñas but to all Filipinos as well,” pahayag ni Villar.
Ang pagtatatag ng drug testing laboratory ay bahagi ng 2023-2028 development strategy plan ng LPGHSTC.
Iminungkahi ito sa paghahanda ng ospital para sa akreditasyon nito para gumana bilang Level 3 health facility, na inaprubahan ng Department of Health (DOH) simula Marso 2021.
Ang disenyo at engineering nito ay maingat na pinlano ng departamento ng ospital bilang pagsunod sa mga pamantayan sa regulasyon na itinakda ng DOH.
Nagsimula ang konstruksyon nito noong Disyembre 2022 at natapos at nai-turn over sa hospital laboratory department noong Agosto 2023 kung saan naisyuhan ito ng Certificate of Accreditation para sa drug testing noong Pebrero 27.
Pangunahing may-akda rin ito ng House Bill No. 3314, na naging Republic Act 11497 noong Nobyembre 13, 2020.
Ang batas ay nag-awtorisa at naglaan ng pondo para sa pag-upgrade ng mga propesyonal na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan at pasilidad ng Las Piñas General Hospital at Satellite Trauma Center.
Pinayagan din ng RA 11497 ang ospital na dagdagan ang bed capacity nito mula 200 hanggang 500 beds.


“This drug testing laboratory enhances the LPGHSTC’s competency and makes it at par with other government hospitals in relation to the national government’s response to drug abuse issues. Ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong sipag at tiyaga. Sa inyong pagtutulungan, kasama ang local government ng Las Piñas at ang inyong lingkod, masisiguro natin ang kalidad na health services para sa ating mga constituents,” sabi ni Villar, na chief executive officer ng ALL Value Group at managing director ng Vista Land.
