5,500 job seekers natanggap sa trabaho sa Labor Day job fairs

Ni NERIO AGUAS

Iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot sa mahigit sa 5,500 job seekers ang natanggap sa trabaho sa isinagawang Labor Day job fairs sa buong bansa.

Base sa regional reports, mula Mayo 3, nasa 5,512 job seekers ang dumagsa sa 97 job fair sites sa mga lalawigan ang hired on the spot.

Karamihan sa mga ito ay mga service crew, cashier, sales associate, production operator, sales clerk, production crew, online teacher, at housekeeper.

Inaasahan naman ng DOLE na madaragdagan ang bilang ng mga job seekers na natanggap sa trabaho hangga’t hindi natatapos ang iba pang job fairs sa Mayo 9.

Sinabi ni DOLE Sec. Bienvenido E. Laguesma ang departamento ay nagsagawa ng hindi bababa sa isang Labor Day job fair bawat lalawigan upang mailapit ang mga oportunidad sa trabaho sa mga manggagawang Pilipino sa mga rehiyon.

Sa nationwide job fairs nasa 2,839 employers, nag-alok ng 235,246 local vacancies at 166 employers ang nag-alok sa 62,431 overseas employment opportunities.

Ang job fair sites ay nagsilbing one-stop-shops ng mga government services, kung saan 2,756 aplikante ang nag-avail ng skills enhancement training; 3,106 ang naka-avail ng livelihood assistance; at 821 ang nag-avail ng mga oportunidad sa entrepreneurship.

May kabuuang 10,843 na naghahanap ng trabaho rin ang nag-avail ng mga serbisyong inaalok ng Social Security System, Philippine Health Insurance Corporation, at Pag-IBIG Fund.

Leave a comment