Lakas-CMD, PFP bumuo ng alyansa para sa Bagong Pilipinas

Nagkamay sina LAKAS-CMD president at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) president at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. kasunod ng  alyansa ng PFP-LAKAS-CMD na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Manila Polo Club sa Makati City.

Ni NOEL ABUEL

Nakipag-alyansa na ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ang pinakamalaking partido politikal sa bansa, sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para higit pang isulong ang interes ng taumbaya sa ilalim ng Bagong Pilipinas program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD, bukod sa pagtataguyod ng Bagong Pilipinas, susuportahan ng alyansa ang socio-economic roadmap ng administrasyong Marcos.

“We aim to advocate and pursue measures that will sustain the country’s economic development, attract more foreign investments, create more job and income opportunities, build up food supply, and in general, improve the lives of our people,” sabi nito.

Aniya, ang Lakas-CMD-PFP alliance ay naaayon sa nais ni Pangulong Marcos na pag-isahin ang lahat ng sektor sa bansa.

“Unity of aspiration and purpose can propel us to economic advancement,” saad ni Romualdez.

Sa nilagdaang “Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas,” ang Lakas-CMD at PFP ay nagsabing naniniwala ang mga ito sa “public service should be conducted with utmost integrity, transparency, accountability, people participation, effectiveness, and efficiency.”

Sinabi pa ng mga ito na ibinabahagi nila ang karaniwang pananaw na ito para sa paghahangad ng kabutihang panlahat at pag-unlad ng ekonomiya.

“In view of the shared vision of the PFP and Lakas-CMD, the parties have agreed to forge their alliance that will pave the way for strength and continued positive change for the country to usher in a Bagong Pilipinas,” anila.

Ipinangako ng dalawang partido ang kanilang sarili na magsisikap para matamo ang vision at layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kapwa lumagda sina Romualdez at PFP president Reynaldo Tamayo Jr. sa alliance agreement ng kanilang partido na sinaksihan ni Pangulong Marcos.

Kasama rin sa lumagda sina House Senior Deputy Majority Leader at PFP vice chairman Ferdinand Alexander Marcos, PFP executive vice president Antonio Lagdameo Jr., Lakas-CMD chairman at Senador Ramon Revilla Jr. at Lakas-CMD executive vice president at House Majority Leader Manuel Jose Dalipe.

Leave a comment