Destabilization plot vs PBBM walang maidudulot na mabuti– Angara

Senador Sonny Angara

Ni NOEL ABUEL

Dapat na matuto na ang mga Pilipino sa kasaysayan na walang mabuting idudulot na mabuti ang bangayan ng mga ito.

Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara sa isang panayam ng mga mamamahayag kung saan sinabi nitong hindi dapat na malakihin pa ang usap-usapang destabilization plot na inilutan ni dating Senador Antonio Trillanes umano kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sana hindi totoo kasi parang it’s for all Filipinos who love the country to rally behind the president, kasi may kalaban na tayo sa labas. Imbes na tayu-tayo ang mag-away which is our history, matuto na tayo sa nakaraan, magsama-sama na tayo dahil dito, may common enemy na tayo, sino pa magtutulungan kundi tayo-tayo,” pahayag ni Angara.

Aniya, hindi nakakatulong sa bansa ang iringan ng dalawang kampo kung kaya’t dapat na itong tigilan.

“I don’t think it helps the country, honestly. ‘Yun nga ang nakikita natin, eh. Parang nadi-distract tayo dito sa tit for tat between the two camps, di ba? Imbes na mag-focus sa palagay ko, mas mahalaga sa ating mga kababayan ang issues sa inflation, issues sa national security, we should learn from the past where politics should not always be at the forefront,” aniya.

“Dapat, isantabi muna ang pulitika. Unahin natin ‘yung importante,” paliwanag pa ni Angara.

Leave a comment