Indian national hinarang sa NAIA

Ni NERIO AGUAS

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian national na nagtangkang pumasok sa bansa sa kabila ng blacklisted na ito.

Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang naturang dayuhan na si Kulwinder Singh, na agad na pinabalik sa pinanggalingan nitong bansa.

Ayon sa BI, dumating si Singh noong Mayo 6 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Scoot airlines flight TR390 mula Singapore.

Napag-alaman na ang nasabing dayuhan ay nasa blacklist order na inisyu laban sa kanya noong 2023 matapos na pigilan noon dahil sa posibilidad na maging isang pampublikong kaso.

Tinangkang ni Singh na muling pumasok sa bansa, ngunit nakitang nasa database ng BI ng mga undesirable aliens ang kanyang pangalan.

Sa isang pahayag, binigyan-diin ni Tansingco ang kahalagahan ng pagbabantay sa pangangalaga sa mga hangganan ng bansa.

“Our primary responsibility is to ensure the integrity of our immigration procedures and protect our nation from individuals who pose a threat to our security,” aniya.

Leave a comment