Villar, isinusulong ang ALAB para sa paglaki ng carabao industry

Pinangunahan ni Senador Cynthia Villar ang pagsusulong ng ALAB Karbawan program para matulungan ang mga magsasaka at carabao industry sa bansa.

Ni NOEL ABUEL

Itinutulak ni Senador Cynthia Villar ang tinaguriang “Accelerating Livelihood Assets Buildup (ALAB)” Karbawan program upang mabawasan ang kahirapan ng mga magsasaka at mapaunlad ang carabao industry sa bansa.

Sa kanyang pananalita sa pagbubukas ng training ng “Capacitating Coconut Farmers on Dairy Buffalo Production for Increased Income” na idinaos sa Villar SIPAG Farm School sa Las Piñas-Bacoor, Cavite, noong May 7, tinagubilinan ni Villar ang mga kalahok na gamitin sa kanilang komunidad ang mga makukuhang kaalaman mula sa three-day training.

Sinabi ni Villar na ang kanyang suporta sa dairy buffalo enterprise ay hango sa pagbisita sa isang barangay sa Pagadian City.

Nakita aniya nito ang mga lokal na pamilya na namamahala sa mga nagpoproseso at nagbebenta sa lokal na merkado.

Sa paniniwala sa economic viability ng buffalo enterprises, sinabi ni Villar na dapat bigyan ng 50 kalabaw ang bawat operasyon.

“The combination of backyard dairy production and the Department of Agriculture- Philippine Carabao Center (DA-PCC) Dairy Box branding impressed me,” ani Villar.

Bunga nito, naglaan ang senador ng P170 million budget sa DA-PCC para palawigin ang modelong ito sa may 17 probinsiya.

“Under ALAB, each province receives P10 million to buy 50 carabaos and a processing facility. The fund will also be used for other miscellaneous expenses,” ayon pa sa chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food.

Ang ALAB Karbawan ang umbrella program sa province-wide Carabao-based Enterprise Development projects, Carabao-based Business Improvement Network (CBIN) at Coconut-Carabao Development Project (CCDP).

“Its primary goal is to establish robust carabao-based enterprises in recipient provinces to generate livelihood opportunities for farmers,” sabi pa ni Villar.

Ang training initiative ay collaborative effort ng DA-PCC at DA-Philippine Coconut Authority (DA-PCA) sa pakikipag-partner sa Villar SIPAG Farm School.

Tinututukan nito ang pagbibigay ng edukasyon sa coconut farmers tingkol sa tamang dairy buffalo production at management at enterprise development sa pmamagitan ng mga lecture, demonstration at hands-on activities.

Bahagi ang training ng CCDP na pinopondohan ng DA-PCA.

Pinasalamatan ni Dr. Liza G. Battad, DA-PCC executive director, si Villar sa patuloy nitong suporta sa carabao-based enterprise programs.

Nagpasalamat din si PCA Administrator Dr. Dexter R. Buted sa senador at tinukoy ang mahalagang papel ng senador sa coconut-carabao farmers upang mapanatili ang agricultural productivity ng bansa.

Leave a comment