PBBM pinuri sa pagtatag ng special human rights body

Senador Chiz Escudero

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ni Senador Chiz Escudero si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa pagpapalabas ng Administrative Order No. 22 na naglalayong magtatag ng special body upang matugunan ang mga alalahanin sa karapatang pantao sa bansa.

Sa isang pahayag na inilabas ni Escudero, ipinarating nito ang kanyang suporta para sa hakbang na ito kasabay ng pagdidiin ang pangangailangan para sa epektibong pagpapatupad nito.

“I commend the President for taking this step. However, I sincerely hope that the intent and provisions of this issuance will be faithfully executed ‘down the line.’ It is crucial not only for addressing human rights issues related to the previous Marcos regime but also for addressing concerns from the previous administration and the entire country,” pahayag nito.

Aniya, ang pagtatatag ng especial body ay nagpapahiwatig ng pangako ng pamahalaan sa pagtataguyod ng mga karapatang pantao at pagtiyak ng pananagutan.

“We must ensure that this initiative translates into meaningful action, benefiting all Filipinos,” sabi nito.

Batay sa AO 22, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Mayo 8, ang Special Committee on Human Rights Coordination ay itatalaga upang mapanatili ang mga hakbangin at tagumpay ng United Nations para sa Joint Program (UNJP) sa mga karapatang pantao sa mga lugar ng pagpapatupad ng batas, hustisyang kriminal at paggawa ng patakaran.

Pnamumunuan ito ni Bersamin at co-chaired ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla habang ang iba pang miyembro ng komite ay sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

Leave a comment