Protecting vital resources and the environment –Villar

Ni NOEL ABUEL

Tinagubilinan ni Senador Cynthia Villar ang mga environmentalist-graduates na gawin ang kanilang papel at responsibilidad na pangalagaan ang kapaligiran upang matiyak ang sustainable future sa kasalukuan at sa hinaharap na henerasyon.

“The challenges are big, but your potential to make a positive impact is even greater,” sabi nito.

Si Villar ay naging special guest sa ginanap na Volunteers’ Graduation of the Philippine Wildlife Rangers and Environmental Enforcers (PWREE) sa Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP) noong May 12.

Nakatanggap din sa nasabing okasyon ang senador bilang master conservator dahil sa kanyang kontribusyon sa konserbasyon ng wildlife at ng mga naninirahan dito.

Leave a comment