
Ni NOEL ABUEL
Patuloy na dumarami ang bilang ng mga pulitiko ang lumilipat sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).
Kabilang sa mga huling sumanib sa pinakamalaking political party ang dalawang alkalde, tatlong city at municipal vice mayors at 32 iba pang local officials.
Personal na pinanumpa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD ang oath of membership ng mga bagong miyembro.
“I am elated that your aspirations and goals align with ours in the party and in the Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, and with those of President Marcos,” sabi ni Romualdez.
“With unity of purpose, we, together, can fulfill our dream of a better life for our constituents and our people in general,” dagdag nito.
Sinabi ni Romualdez na umaasa itong ang mga bagong miyembro ng Lakas-CMD ay magkakaroon ng mabunga at kasiya-siyang pakikisangkot sa partido.
Kabilang sa mga bagong miyembro sina Mayor Reynante Bautista ng Angat at Bartolome Ramos ng Sta Maria sa Bulacan; Vice Mayors Pablo Juan ng Sta. Maria at Arvin Agustin ng Angat, at Estelito Marabe ng Malaybalay City, Bukidnon.
Kasama rin sina Bukidnon councilors Niko Aldeguer, Brian Flores, Zoltan Dinlayan, Kathleen Pagaling, Royland Orquia, Erwin Damasco, at Alan Legaspi, kapwa ng Malaybalay City.
Reynard Encarguez, Jeorge Ostan at Vemencita Ocier ng bayan ng Cabanglasan; Jetaime Gumban, Jonathan Olana at Xenia Echeminado ng bayan ng Impasugong; Neil Luardo, Aurora Rubio at Rogelio Saway ng bayan ng Lantapan; at Fernando Grafil, Richie Rabago, Benjie Gonzaga, at Dante Dy ng munisipalidad ng San Fernando.
Sampung kasalukuyang konsehal ng Bulacan at dalawang dating konsehal ay umanib din sa Lakas-CMD.
Ito ay sina William Vergel de Dios, Darwin Calderon, Evelyn Cruz, Melandro Tigas, Luis Santiago, at Ramiro Osorio lll ng Angat; at Neil Mateo, Esperanza Ramos, Mark Angelo Clemente at Froilan Caguiat ng Sta. Maria, at mga dating konsehal na sina Rico Sto. Domingo ng Sta. Maria at John Patrick Solis ng Angat.
Sinaksihan ng mga opisyal at miyembro ng Lakas-CMD ng Kamara kabilang sina Salvador Pleyto ng 6th District ng Bulacan at Jonathan Keith Flores ng 2nd District ng Bukidnon, ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng partido.
