Business owners pinasalamatan ni Sen. Cayetano sa pagiging ‘The City of Choice’ ng Taguig

Ni NOEL ABUEL

Binigyang-pugay ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga kontribusyon ng business owners ng City of Taguig sa tagumpay na tinatamasa ng lungsod at binigyan ng halaga ang mga tamang desisyon ng pamahalaan nito upang maging ‘City of Choice.’

“We want your first choice to be the City of Taguig. But the city has to make good choices. In fact, it has to be the city of right choices,” wika ni Cayetano sa thanksgiving luncheon para sa top 100 taxpayers ng lungsod noong May 15, 2024.

Binalikan ng senador ang pagsisimula ng pag-unlad ng Taguig 23 taon na ang nakalipas kung saan ang simpleng desisyon na kanilang ginawa sa planong pagtatayo ng casino sa siyudad ay naging batayan ng kanilang mga layunin.

“[Back then,] Mayor [Sigfrido Tiñga] wanted it but yours truly, together with the spiritual leaders of our city, said ‘Hindi pwede’ because we will be sending the wrong message of values and even the type of businesses that we want to attract will be very different,” sabi nito.

Bilang dating councilor, vice mayor, at kinatawan ng Taguig sa Kongreso, sinabi ni Cayetano na ang buhay ay punung-puno ng desisyon at ang palaging pagpili sa ikabubuti ng lahat ng Taguigeño ay susi sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.

“Taguig is guided by a vision, purpose, plan, and guidelines. Our purpose and our vision is always based on principle. We can argue with facts and we can argue with opinion but we all go back to principles. If you know your principle, the decision is easy,” aniya.

Binigyan-diin din nito na sa pamamagitan ng ganitong pananaw, nakamit ni Mayor Lani Cayetano ang layunin nito para sa mga mag-aaral ng lungsod.

Aniya, ang lungsod ay mayroon lamang P5 milyong pondo para sa scholarship 14 taon na ang nakakaraan.

“Currently, our scholarship fund is P850 million. Because of the [inclusion of] EMBO Barangays, it looks like we’re going to go up to P1.1 billion this year, and P1.4 billion next year,” pahayag pa nito.

Sa kanyang pagpapahalaga sa mga taxpayers ng Taguig, binigyan-diin din ni Cayetano na ang kanilang mga kontribusyon ay konektado sa tagumpay na tinatamasa ng lungsod at ang kanilang pakikipagtulungan ay lubos na nakabubuti sa mga residente.

“I hope you really feel that in Taguig, you are partners. I hope it is a free and a happy choice to be here, and of course we are always happy to listen if there are concerns,” dagdag nito.

Leave a comment