2 flood control project sa Baybay, Abuyog, Leyte tinapos na ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Makakaasa na ang mga residenteng nakatira sa mababang lugar sa Barangay Balinsasayao sa Abuyog at Barangay San Isidro sa Baybay, Leyte na protektado ng pagbaha sa tuwing malakas ang ulan.

Ito ay makaraang matapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dalawang flood control projects sa nasabing mga lugar.

Sa kanyang ulat kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, sinabi ni DPWH Leyte 5th District Engineer Eusebio T. Culas na ang mga proyekto ay ipinatupad upang maibsan ang epekto ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga tao, sa kanilang mga kabahayan, at sa mga taniman.

Ang ₱52.5-million flood control structure sa Balinsasayao, Abuyog, ay may sukat na 5.8 metro ang taas at kabuuang haba na 410 lineal meters habang ang 47-lineal meter na pader ng ilog sa Barangay San Isidro ay itinayo na may kabuuang halaga na ₱5.8 milyon.

Pinondohan sa ilalim ng 2023 Regular Infrastructure Program, ang mga proyekto ay nakapaloob sa pagbibigay ng mga detours at pamamahala ng trapiko sa panahon ng konstruksiyon, safety equipment para sa mga personnel, structure excavation, konstruksyon ng slope protection, embankment, at stone masonry.

“These projects are part of the agency’s efforts to ensure that locals will no longer be displaced in the occurrence of heavy rains and bring about opportunities for flood-safe communities to thrive,” sabi ni Culas.

Leave a comment