Abot-kayang halaga sa pagpapalibing at disaster risk reduction and management umusad na sa Kamara

Rep. Vincent Franco Frasco

Ni NOEL ABUEL

Inaprubahan na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 10422, na naglalayong palakasin ang sistema sa disaster risk reduction and management ng bansa at amiyendahan ang Republic Act 10121, o “Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.”

Isa si Speaker Ferdinand Romualdez sa pangunahing may-akda ng panukala, kasama sina Disaster Resilience chairperson and Dinagat Islands Rep. Alan 1 Ecleo at Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party list Rep. Elizaldy Co.

Layon ng panukala na itatag ang mga programa sa financial resilience sa lahat ng lungsod, bayan at mga barangay upang matiyak na ang mga komunidad ay may mga kinakailangang resources para makabawi matapos ang mga kalamidad.

Pahuhusayin din nito ang pagpapalabas ng pondo, kabilang ang paggamit nito, at mga proseso sa accounting at auditing para mapabilis ang proseso sa pagpapalabas at disbursement sa panahon ng kalamidad.

At upang mapalakas ang kahandaan ng imprastraktura ng bansa sa panahon ng kalamidad, ipinapanukala rin ang pagtatalaga sa Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang vice chairperson para sa infrastructure resilience.

Inaprubahan din ng Kamara ang mga amiyendahan ang HB 102, o ang panukalang “Affordable Casket Act,” na iniakda ni Deputy Speaker Vincent Franco Frasco sa ikalawang pagbasa.

Sa kanyang sponsorship speech, inihayag ni Frasco ang ilang pangyayari noong nagsisilbi ito bilang mayor ng Liloan, Cebu, kung saan ay nakita nito na nababaon sa utang ang mga nagluluksang mahihirap na pamilya, habang humihingi ng tulong sa pamahalaan upang maipalibing lamang ng marangal ang kanilang mga mahal sa buhay na pumanaw.

Iminamandato ng HB 102 na lahat ng mga funeral establishments ay dapat na mag-alok ng funeral services sa mga mahihirap na pamilya sa halagang hindi lalampas sa P20,000.

Ang halagang ito ay dapat na sapat para sa mga essential services, kabilang na ang mortuary services, kabaong at iba pang serbisyong may kaugnayan sa pagpapalibing.

Iminamandato rin sa panukala ang pagmomonitor at regulasyon sa halaga ng pagpapalibing sa Department of Trade and Industry (DTI), habang tungkulin naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng pinansyal na ayuda, at pagpapalakas ng partnership sa mga funeral establishments.

Leave a comment