Mindanao niyanig ng mga paglindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng magkakasunod na paglindol ang ilang lalawigan sa Mindanao, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, noong Mayo 22, ganap na alas-4:47 ng hapon nang maitala ang magnitude 4.5 na lindol na nakita ang sentro sa layong 036 km hilagang silangan ng bayan ng Burgos, Surigao del Norte at may lalim na 011 km.

Naramdaman ang intensity III sa Basilisa, Cagdiano, Dinagat, Libjo, Loreto, San Jose, at Tubajon, Dinagat Islands.

Habang sa instrumental intensities, naitala ang intensity II sa Hinunangan, Southern Leyte at intensity I sa Abuyog, Leyte; San Francisco, Southern Leyte.

Nasundan ang paglindol dakong alas-10:51 ng gabi sa lakas na magnitude 4.0 na natukoy ang sentro sa layong 042 km hilagang silangan ng Burgos, Surigao del Norte.

Samantala, ganap namang ala-1:20 ng madaling-araw nang yanigin din ng paglindol sa Davao Occidental.

Natukoy ang sentro ng magnitude 4.4 na lindol sa layong 146 km timog silangan ng Balut Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

Muli ring niyanig ng panibagong magnitude 3.8 na paglindol ang Surigao del Norte dakong alas-3:29 ng madaling-araw at Hinatuan, Surigao de Sur dakong alas-12:56 ng madaling-araw sa lakas na magnitude 3.9.

Leave a comment