Pagba-ban sa TikTok at iba pang foreign adversary-controlled applications ipinanuka

Ni NOEL ABUEL

Bunsod ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China ay dapat na kumilos ang pamahalaan para maprotektahan ang mga Filipino sa manipulasyon at misinformation.

“With the rising tension between China and the Philippines, the government must take positive preemptive action to ensure that we protect our citizens from manipulation and misinformation campaigns using social media––from any foreign adversary country,” sabi ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr.

Sa inihain nitong House Bill Number (HB) 10489, layon nito na i-regulate ang nasabing social media na kinokontrol ng dayuhang kalaban at ang mga app store at mga internet hosting services kung saan naa-access ng mga users ang mga ito.

Isang halimbawa ng apps na maaaring saklawin ng pagbabawal ay ang TikTok, na kasalukuyang mayroong 49.9 milyong aktibong users sa Pilipinas.

Binanggit ng Abante ang TikTok bilang isang halimbawa dahil sa kaugnayan nito sa pangunahing kumpanya nitong ByteDance, na nagpapakita ng koneksyon sa Chinese Communist Party (CCP) at sa gobyerno ng China na hindi maaaring isantabi.

Sa ilalim ng HB 10489 o ang Foreign Adversary Controlled Applications Regulation Act– ipinaliwanag nito, ang mga app store at mga internet hosting services ay ipagbabawal na ipamahagi, pagpapanatili, o pag-update ng isang application na kinokontrol ng dayuhan.

Nakasaad sa Section 2 ng panukala na ang foreign adversary controlled application na website, desktop application, mobile application, o augmented o immersive technology application na pinakikilos directly o indirectly at kinokontrol ng foreign adversary, at may banta sa national security ng Pilipinas.

“Under the proposed bill, it is the President who will identify which countries are deemed as foreign adversaries of the Philippines. A “foreign adversary country” is defined in HB 10489 as any country identified by the Chief Executive as “having interests adversarial to that of the Philippines, in terms of threats to national security and our territorial integrity,” ayon sa panukala.

“The proposed bill regulates conduct rather than targeting the content of speech. The provisions in this proposed bill focus on national security threats and an application’s ownership by a foreign adversary,” ayon pa dito.

“The primary reason why I am proposing this bill is for our country to be watchful of foreign adversary countries infiltrating our communication infrastructure and making a mockery of our cybersecurity and intelligence,” sabi ni Abante.

“We need to take a preemptive action to prevent the clear and present danger of foreign adversary controlled companies operating in the Philippines with the purpose and capability of harvesting data from unsuspecting subscribers,” dagdag pa ng kongresista.

Itinuro ng mambabatas na ang Tiktok ay nangongolekta ng personal data mula sa mga hindi mapag-aalinlanganang users at subscriber nito, na nakababahala dahil madaling maipadala ng Tiktok ang data na ito sa gobyerno ng Chinese government.

Dahil dito, ilang bansa na aniya ang nagpatupad na ng batas para i-regulate at ipagbawal ang Tiktok sa kanilang mga teritoryo, kabilang ang India, na nagpataw ng nationwide ban sa TikTok at dose-dosenang iba pang Chinese app tulad ng messaging app na WeChat noong 2020 dahil sa privacy at security concerns.

Sumunod din ang iba pang bansa na nagbawal sa TikTok tulad ng Australia, Belgium, Canada, Denmark, the European Union, France, Indonesia, the Netherlands, New Zealand, Nepal, Norway, Pakistan, Taiwan, United Kingdom at ang Estados Unidos.

Leave a comment