Unang bagyo pumasok na sa PAR

Ni MJ SULLIVAN

Tuluyan nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang kauna-unahang sama ng panahon o low pressure area na inaasahang magiging bagyo sa darating na weekend.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ganap na alas-3:00 ngayong hapon nang huling mamataan ang nasabing LPA sa layong 680 km silangan ng Davao City.

Paiigtingin nito ang easterlies na magbibigay ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sakaling maging tropical storm, tatawagin itong bagyong Aghon.

Ang Eastern Visayas at Caraga ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan at pagkulog na maaaring magdulot ng flash floods o landslides.

Habang ang iba pang bahagi ng Mindanao ay makararanas din ng kalat-kalat na pag-ulan.

Habang ang Metro Manila ay magkakaroon din na maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan o pagkulog dahil sa epekto ng easterlies na magdudulot ng posibleng flash floods o landslides dahil sa matinding pagkulog.

Leave a comment