Bulkang Kanlaon nakapagtala ng 37 volcanic earthquakes

Ni MJ SULLIVAN

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 37 volcanic earthquakes sa paligid ng Bulkang Kanlaon ngayong araw.

Base sa monitoring ng Phivolcs, maliban sa pagyanig sa paligid ng bulkan ay nakapagtala rin ng pagbuga ng sulfur dioxide na nasa 2003 tonelada at nasa 300 metrong pagtaas ng pagsingaw na napadpad sa hilagang-silangang bahagi ng bulkan.

Nakita rin ng Phivolcs na pamamaga ng ibabawa ng bulkan na senyales na aktibo ang galaw nito.

Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4 km radius Permanent Danger Zone at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

Inaasahan din ang posibleng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.

Nananatili naman sa alert level 1 ang antas ng babala sa Bulkang Kanlaon.

Leave a comment