Typhoon Aghon pagpapatuloy sa pag-ulan — PAGASA

Ni MJ SULLIVAN

Asahan na sa loob ng tatlong araw ay patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang Western Visayas at ilang bahagi ng MIMAROPA habang unti-unting lumalayo sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Aghon.

Sa pinakahuling weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nagbago ang kilos ng bagyong Aghon na ngayon ay kumikilos ng east northward.

Apektado ng nasabing bagyo ang southwesterly windflow na magdadala ng malakakas na pag-ulan na may kasamang malakas na hangin sa loob ng dalawang araw sa Western Visayas at MIMAROPA.

Ang mata ng typhoon Aghon ay huling nakita sa pamamagitan ng Baler Doppler Weather Radar sa layong 155 km silangan ng Casiguran, Aurora at kumikilos ng silangan hilagang silangan sa bilis na 10 km/h.

Taglay nito ang malakas na hangin na 140 km/h malapit sa gitna at pagbugso ng aabot sa 170 km/h.

Nakataas ang signal no. 1 sa silangang bahagi nng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay), ng katimugang bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte), silangang bahagi ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, Cauayan City, Maconacon, Angadanan, Naguilian, Palanan, Dinapigue), Aurora, ang hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kasama ang Polillo Islands, at ang hilagang silangang bahagi ng Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga) kasama ang Calaguas Islands.

Ngayong araw, ang southwesterly windflow ay pinaigiting ng bagyong Aghon na magdadala ng malakas na pag-ulan sa Palawan, Occidental Mindoro, Antique, Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental.

Bukas naman ay inaasahan pa rin ang malakas na pag-ulan sa Western Visayas, Palawan, at Occidental Mindoro kung saan posibleng magkaroon ng pagguho ng lupa lalo na sa mabababang lugar.

“The wind signals warn the public of the general wing over an area due to the tropical cyclone. Local wind may be slightly stronger/enhanced in coastal and upland/mountainous areas exposed to winds. Wind are less strong in areas sheltered from the prevailing wind direction,” sa abiso g PAGASA.

Samantala, nakataas ang Gale warning sa eastern coastal ng Cagayan at northern coastal waters ng Bicol regions kung saan mahigpit na pinaalalahanan ang mga maliliit na bangka na mag-ingat at huwag maglayag.

Ang bagyong Aghon ay magpapatuloy sa pagbibigay ng malakas na ulan at hangin sa loob ng 24-oras hanggang 36-oras habang kumikilos ng hilagang-silangan sa Philippine sea.

Leave a comment